Ang yamang lupa ng Silangang Asya ay matatagpuan sa mga talampas, kapatagan, bundok, lupaing praire sa Mongolia, mga lambak tulad ng daluyan ng Yangtze River, Mongolian steppe, at iba pang mga lupang binubungkal. Sakop ng China ang 7% ng lupa sa buong mundo na maaaring bungkalin. Ang pinakamahalagang pananim nito ay palay. Nangunguna ang China sa buong daigdig sa produksyon ng palay. Ang mga ibang pananim ay trigo, mais, oats, at kaoliang, isang uri ng sorghum at millet. Ang kaoliang ay ginagamit sa pagkain ng mga alagang hayop at ginagawang alak.
Ilan sa mga pananim ng ibang bansa sa Silangang Asya ay sugar, beets, patatas, repolyo, mais, soybean, bawang, red beans, at prutas tulad ng ubas, peras, at peach. Ang mga hayop na katulong sa hanapbuhay ay, kalabaw, kamelyo, kabayo, buriko, at yak. Ang dagat China ay mayaman sa pagkaing dagat tulad ng flounder, cod, tuna, cuttlefish, sea crab, at prawn. Ang mga ilog ay hitik sa carp, sturgeon, at hito.